|
Paano
Iniluluto ang Asocena: Kasaysayan ng Pagkain ng Aso
sa Pilipinas
(How to Cook Dog Meat: A Story of Dog Meat
Eating in the Philippines)
by Gloria Esguerra Melencio
(continuation)
Konklusyon:
Kultural na Ebolusyon, Kalusugan at
Kahirapan
Taliwas
sa sinasabi ng mga kumakain ng aso - sa loob man o
labas ng Baguio - hindi ito ayon sa tradisyon at
kulturang Pilipino. Kumakain lamang sila ng asocena
para pampainit at pampasarap sa katawan. Hindi para
tugunan ang pangangailangang tradisyunal tulad ng
paglilinis ng katawan ng mandirigma pagkagaling sa
labanan o pagpapatigil sa mga ispiritu ng napatay
sa paghahabol sa mga nabuhay. Malayo ito sa
sagradong ritwal ng mga katutubo.
Nang
pumasok ang komersyalismo, ginamit nito ang
tradisyon upang maging behikulo sa oportunismo at
pagkakataong kumita ng salapi.
Ayon
kay Nita Hontiveros-Lichauco, pangulo ng Philippine
Animal Welfare Society (PAWS), hindi basta-basta na
lamang nagkakatay ng aso ang mga katutubong
Cordilleran. Mahal ng mga Igorot ang aso nila dahil
kasa-kasama nila ito sa pangangaso sa gubat.
Tagapagligtas at tagababala din nila ito sa oras ng
panganib.Tulad ng sa tatlong gulang na bata ang
talino ng aso at nakakaramdam at nakaaamoy ito nang
50 ulit kaysa sa mga tao kung kaya alam niya kung
may darating na sakuna o panganib.[28]
"Naging
komersyalisado ang sagradong tradisyong ito ng mga
Cordilleran nitong nakalipas ng mga 20 taon,"
pagsusuri ng Linis-Gobyerno, isang non-governmental
organization na nakabase sa Baguio City.
Nagawang
maging komersyo ang nakagisnang tradisyon at
kultura ng mga Igorot sa paglipas ng
panahon.
Idiniin
ni Bing Dawang na isang ebolusyong kultural itong
may implikasyong hindi maganda sa pagkamamamayang
Pilipino ng mga Igorot. Paliwanag niya:
"Igorot
culture has greatly changed since 1904.
Headhunting, for example, was also part of the
Igorot culture and way of life a hundred years
ago. We now recognize and reject that practice
as murder.This is adaptation. This is cultural
evolution."[29]
Malaking
salik sa pagkain ng aso ang kahirapan. Hamak na
kayang bilhin ito ng mga karaniwang mamamayang
Pilipino kaysa sa baboy, baka at manok. Kaya nang
mapakain ng isang buong aso ang 20 katao sa
halagang Php 300 hanggang Php 500. Libre pa kung
matiyempuhang gagala-gala o nakakawala sa tali ang
alagang aso ng kapitbahay. Kaya nga may
pangkalahatang impresyong mahihirap lang ang
kumakain nito sa kasalukuyan.
Pero
sa Baguio na melting pot na ng maraming kultura,
malaking aspeto ang pagbibigay-init umano sa
katawan ng karne nito. Kaya mga marahil ito ang
naging dahilan ng maraming Igorot sa St. Loius
World's Fair sa paghahanap nila ng karneng aso
noong nasa Amerika sila sa loob ng pitong buwan.
Pagliligtas ito sa buhay nila. (May namatay na
dalawang Pilipinong exhibitor dahil sa di
nakayanang lamig at sakit noong 1904).
Napalaki
nga lamang ng kanluranin at lokal na media sa
pamamagitan ng sobrang paghahayag nito sa mundo
(drumbeating) ng eksotiko at pagbibigay ng maling
anggulo mula sa punto-de-bista ng mga nasa
kanluran. Nag-aakusa ang mga kumakain ng aso na isa
itong cultural imperialism.[30]
Ipinipilit ng mga taga-Kanluran ang mga
pamantayan nila sa pagkain batay sa kanilang
karanasan, kagustuhan at kaligiran.
Ang
hindi alam ng marami, Pilipino man o ibang lahi, na
klasikong halimbawa ng kaugaliang kultural na
nagkaroon ng ibang hugis sa paglipas ng panahon ang
pagkain ng aso. Isang sinaunang tradisyong
pinasukan ng makabagong komersyalismo.
Kung
nagagawang mabago ang mga nakagisnang tradisyon
para sa ikabubuti ng karamihan - tulad ng foot
binding sa Tsina, sapilitang pagpapakasal o
arranged marriages sa mga kultura sa Asya;
pagbabawal ng clitoredectomy sa Africa; at
pamumugot ng ulo ng mga Igorot - nagawa namang
mabaliko ang tradisyonal na kaugalian ng mga
Pilipino sa pagkakatay at pagkain ng aso.
Ipinipilit ang pagpapanatili nito sa ngalan ng
tradisyon ngunit nagkaroon naman ito ng ibang anyo.
Nabawasan na ang mga digmaan sa pagitan ng mga
tribo sa Cordillera ngunit dumami naman ang
konsyumer ng aso at lumaganap pa sa buong
bansa..
Sa
pagkakataong ito, nakasisira hindi lamang sa tunay
na kaugalian at tradisyon ng bansa kundi gayundin
sa pagtrato at pakikitungo ng mga Pilipino sa bawat
isa at pati na rin sa pagtingin sa mga hayop at sa
kapaligiran sa pangkalahatan.
Panahon
nang pagtuunan ito ng pansin hindi lamang ng mga
nagpapatupad ng batas kundi pati na rin ng mga
mamamayang Pilipinong konsyumer ng pagkain. Ano ba
ang intensyon natin sa ating pagkain?
May
mga kaakibat na mga konsepto at prinsipyo - at
malalim na kasaysayan mula sa paglilingkod hanggang
sa pagsasamantala - ang bawat pagkaing
nakahain sa hapag-kainan.###
Talasangggunian
A. Mga
Aklat at Ibang Babasahin
1.
Blair and Robertson. Philippine Islands
1493-1803 (Volume 20), pp. 276-279
2. Felix
M. Keesing, Taming Philippine Headhunters, A
Study of Government and of Cultural Change in
Northern Luzon (London: George and Unwin
Limited, 1934), pp. 45
3. Virgilio
R. Pilapil. Dogtown, USA: An Igorot Legacy in
the Midwest. (Heritage, June 1994, Volume 8,
Issue 2), p.15, p. 4, 3bw
4. Bing
A. Dawang. Dog Eating and My Culture. The
Junction, June 2004, p. 2
5. Vincent
Cabreza. President Arroyo Defends Dog Eating.
Philippine Daily Inquirer, 1 January 2006,
p. A1.
B.
Mga Panayam
1.
Nita Hontiveros Lichauco. Panayam sa telepono,
45 minuto (New Manila: Enero 20, 2005)
2.
Juliet Corazon Patiño. Panayam, 30 minuto
( Quezon City, Enero 16, 2005)
3.
Mila Tienda. Panayam, 60 minuto (San Jose
Del Monte City, Bulacan,Disyembre 27,
2004)
4.
Text message ni Avelino Cielo (Marso 12,
2006)
C. Website
1.
www. linisgobyerno.org
2.
Dog,The Other White
Meat@Everything2.com
3.
http://en.wikipedia.org/wiki/Horse_meat
4.
An online guide of Philippine History. www.
geocities.com/College
Park/Pool/1644/precolonial.html
5.
http://
wolf.ok.ac.kr/-annyg/english/e6.htm
6.
Sacla, Wasing. Treasury of Beliefs and Home
Rituals.
7.
http:// new.inq7net/regions/index/ph/index 2
& story_id63272
8.
Cultural imperialism in the Ban of Eating Dogs.
Inq7.net (2 February 2006). www.
google.com.ph/search?hl=tl&q=dog+eating+philippine+cultural+imperialism&btnG=Hanapin&meta=
------------
[28]
Nita Hontiveros Lichauco. Panayam sa telepono, 45
minuto (New Manila: Enero 20, 2005)
[29]
Dawang, Bing A. Dog Eating and My Culture.The
Junction, June 2004, p. 2.
[30]
Cultural imperialism in the Ban of Eating Dogs.
Inq7.net (2 February 2006).
http://www.google.com.ph/search?hl=tl&q=dog+eating+philippine+cultural+imperialism&btnG=Hanapin&meta=
<PREV
| 1
| 2
| 3
| 4
| 5
| 6
courtesy
of Ms. Gloria Esguerra-Melencio
|