|
Paano
Iniluluto ang Asocena: Kasaysayan ng Pagkain ng Aso
sa Pilipinas
(How to Cook Dog Meat: A Story of Dog Meat
Eating in the Philippines)
by Gloria Esguerra Melencio
(continuation)
"Igorot
kami pero hindi kami kumakain ng
Aso"
Nang
manalong Ultimate Starstruck Survivor si Marky
Cielo ng Mountain Province nitong Marso 2006,
malaking bagay sa pagkakuha niya ng pinakamataas na
boto sa buong kasaysayan ng telebisyon ang pag-amin
niyang "Igorotak!" [16]
Kakambal ng pagkapanalo niya ang kuwestiyon sa
pagkain ng aso ng mga Igorot. Agad tinanong ng mga
taga-National Capital Region sa text messages
kung kumakain ba ng aso si Marky.
Sumagot
naman ang ama ni Marky na si Avelino Cielo nang:
"Hindi kami kumakain ng aso."[17]
Nauna
rito, isinulat ni Bing A. Dawang, isang
Igorotang editor ng The Junction, pahayagan sa
Mountain Province, na hindi regular na kumakain ng
aso ang mga Igorot. Anya sa kanyang artikulong Dog
Eating and my Culture:
"As
an Igorot, I vehemently do not accept dog eating
as my culture. I was not raised to eat dogs. Dog
meat is not a part of my diet, nor has it ever
been. I find it insulting that Igorots are
branded as dog-eaters, not only in the
Philippines but abroad. It is a shame, and
because Igorots are Filipinos, dog-eating is a
Philippine national shame. "[18]
Ipinaliwanag
ni Dawang na nagkakatay ng aso ang mga Igorot sa
mga pagkakataong kailangan tugunan ang mga
ispiritwal na pangangailangan tulad ng sinaunang
paniniwala ng mga pagano. May mabigat na dahilan
ang pagkain ng aso. Hindi ito dahil tawag lamang ng
sarap ng laman ng aso o dahil sa nakabubusog sa tao
o dahil nakapagbibigay ng init sa katawan ito.
Paliwanag pa niya:
"It
is true that in ancient times some Igorot tribes
butchered their dogs before going to war. It was
the belief of the then pagan Igorot that the
spirits of the sacrificed dogs would guard them
in battle. At times of tragedy, the family dog
might also have been sacrificed to appease the
spirits, and to assign the soul of the dog to
guard the spirits of the living family
members."[19]
Sa
katunayan, taliwas sa nakaugalian ng mga taong
pagkain ng aso sa kasalukuyang panahon kapag may
handaan sa kaarawan at iba pa, nagluluksa pa nga
ang mga Igorot sa pagkain ng aso. Isa itong anyo ng
sakripisyo dahil mahal ng mga Igorot ang mga
alagang aso. Ani Dawang pa:
"Dog
sacrifice always connoted bad luck, tragedy, or
death. When a family butchered a dog, who had to
be the family dog, not just any dog bought from
nowhere, the family was not feasting but either
mourning, in extreme pain, or involved in some
other activity connected with death.
Dogs
were not butchered as drinkers' fare, nor as a
daily or regular part of the Igorot diet. Igorot
families much preferred to avoid the
circumstances which might lead them to sacrifice
their dog.[20]
Pinatunayan
ito ni Reverend Moreno Tuguinay, dating paring
Igorot ng Sagada. Ipinaliwanag niyang
nagsasakripisyo ang mga ninunong Igorot ng kanilang
mga alagang aso sa panahong may digmaan ang mga
tribo. Kailangang malinisan ang katawan ng
mandirigmang nadumihan ng dugo ng kaaway. Kinakatay
ang alagang aso ng pamilya ng mandirigma upang
malinis ang sariling katawan sa isang ritwal na
tinatawag na daw-es.[21]
Gayundin
ang ginagawa ng mga tribong Kankanaey at Ibaloi ng
Benguet. Tumataas ang bilang ng mga asong kinakatay
at kinakain sa panahong dumadalas din ang mga
alitan at digmaan sa pagitan ng mga
tribo.
Sa
aklat ni dating Bise-Gobernador ng Mountain
Province na si Wasing Sacla, sinabi niyang isang
"sacrificial animal"[22]
ang aso sa mga ritwal ng paghihilom na tinatawag na
tomo. Isinasagawa ito ng mga Kankanaey sa hilagang
kanluran ng Benguet. Upang hindi mahabol ng
ispiritu ng mga kalabang napatay sa labanan ang mga
nabuhay at nakauwi sa kanilang tribo. Isinulat ni
Sacla na:
"Since
blood was spilled, the tomo was performed to
cleanse or purify those who participated
directly or indirectly in the battle. For the
tomo, the ritual animal is the dog on the belief
that it barks and, therefore, can drive away the
haunting spirits."[23]
Upang
maisagawa ang tomo, limang kalalakihan ang pinipili
upang magsuot ng nilalang kawayang putong sa ulo na
nadedekorasyunan ng mga balahibo, magsukbit ng itak
at humawak ng sibat. Inaatasan ng manbunong o
mambunong, isang katutubong pari, ang limang
lalaking ito na tumungo sa isang ekspedisyon (drama
lamang) at tumagpas ng mga kunwaring kaaway sa
pamamagitan ng pagputol ng pine tree. Itinatarak ng
pinuno ng ekspedisyon ang kanyang sibat sa katawan
ng puno at sinusundan naman ito ng pagpuputol ng
mga sanga ng apat pang mandirigma.
------------
[16]
Igorot ako!
[17]
Sagot ni Bobby Cielo sa text ng
mananaliksik.
[18]
Bing A. Dawang. Dog Eating and my Culture. The
Junction, p. 2.
[19]
Dawang, Bing A. Dog Eating and My Culture.The
Junction, June 2004, p. 2.
[20]
Dawang, Bing A. Dog Eating and My Culure. The
Junction, June 2004, p.2.
[21]
http:// new.inq7net/regions/index/ph/index 2 &
story_id63272
[22]
Sacla, Wasing. Treasury of Beliefs and Home
Rituals. http://
new.inq7net/regions/index/ph/index 2 &
story_id63272
[23]
Sacla, Wasing. Treasury of Beliefs and Home
Rituals. http://
new.inq7net/regions/index/ph/index 2 &
story_id63272
<PREV
| 1
|
2
|
3
|
4
|
5
|
6
|
NEXT>
|