|
Iligtas
ang ating matalik na kaibigan laban sa
kalakalan ng karne ng aso - Yes sa House
Bil 2991
KAILANGAN
NATIN NG 50,000 LAGDA BAGO DUMATING ANG 30
HUNYO 2007!
Tutulong
ito sa pagtatakda ng pandaigdigang presyur
sa pamahalaang Pilipinas na ipasa ang
House Bill 2991 sa Hulyo 2007 na
nagtatakda ng pagbabawal sa pangangalakal
ng karne ng aso.
Maikling
Kasaysayan ng Kalakalan ng Karne ng
Aso
Noong
unang panahon, tradisyon sa Pilipinas ang
pagkakatay ng alagang aso bilang
sakripisyo kung may digmaan o kapag may
nasaksihang patayan ang kasapi ng pamilya.
Pagliligtas ito sa anumang nakaambang
panganib sa sinumang kasapi ng pamilya.
Pinaniniwalaang binabantayan ng kaluluwa
ng alagang aso ang kaluluwa ng mga buhay
pang kasapi ng pamilya.
Sa
paglipas ng panahon, pinasukan ang
paniniwalang ito ng kasakiman at
katiwalian kung kaya nagawang maging
komersyo ang dating sagradong tradisyon at
nagiging biktima na sa kasalukuyan ang
walang muwang na 500,000 aso taun-taon.
Kahit na maraming Pilipino ang hindi
kumakain ng aso, nagaganap pa rin ang
pangangalakal at pagpatay ng aso sa Baguio
City at sa rehiyon ng
Cordillera.
Ano
ang umiiral na batas sa
Pilipinas?
Ipinagbabawal
ng Animal
Welfare Act of
1998
(Section 8 of the Republic Act No. 8485)
ang pagpapahirap sa mga hayop. Kung
katayin man ang mga inaalagaang hayop na
nakalaan sa pagkain. tinatawag na
livestock, kailangang isagawa ito sa isang
makataong paraan. Gayundin, nakasaad sa
batas na maaring magkatay ng hayop para sa
mga pangrelihiyong ritwal. Nakalulungkot
na walang ngipin ang batas na ito dahil:
(1) walang tahasang pagbabawal sa
pangangalakal ng karne ng aso; (2)
napakagaan ng mga parusa; at (3) hindi
naipatutupad dahil sa katiwalian at
panunuhol sa mga pulis at iba pang
awtoridad.
Puhunan
ng mangangalakal ng aso upang patuloy na
tumubo:
- Nagbabayad
lamang ng multang mula Php 1,000 (USD
20.35) hanggang Php 5,000 (USD
100.00)
- Mas
murang magbayad ng multa kaysa sa
manuhol sa pulis o higit pa ring mura
kahit parehong magmulta at manuhol sa
pulis
- Multimilyong
pisong (milyong dolyar) industriya ito
at hindi nila iniinda ang multa habang
nagnenegosyo
Ano
ang dapat baguhin?
Hindi
iniinda ng mga mangangalakal ng aso ang
Animal Welfare Act kung kaya patuloy sila
sa pagnenegosyo, pagkita ng pera at
panunuhol sa mga opisyal at pulisya.
Gayunpaman, nanatiling nakasalang sa
Committee on Revision of Laws ang
House
Bill 2991
na siya sanang magbibigay ng mabigat na
parusa sa mga mangangalakal ng aso.
Isinulat ito ni Representative Francis
Escudero, ibinatay ang batas sa
pangangailangang mapatalas pa ito at
maging marangal. Sa ganitong kalagayan,
kailangang baguhin ang batas at mapataas
pa ang karampatang parusa sa mga
mangangalakal ng aso.
Ano
ang maitutulong mo?
Malaki
ang maitutulong ng bawat isang
lalagda sa petisyon lalo na kung aabot ito
sa 50,000 lagda sa 30 Hunyo 2007.
Inaasahang matalakay sa Kongreso ang batas
sa Hunyo 2007. Matitiyak lamang natin ng
proteksyon ang mga aso sa Pilipinas sa
pamamagitan ng paglalantad ng pamahalaan
sa buong daigdig.

References:
Status
of House Bill 2991: http://www.congress.gov.ph/bis/qry_show.php
Animal
Welfare Act: http://www.dogmeattrade.com/library_articles/philippine_act.html
|